Skip navigation

Sa telebisyon ang babaeý nakakahon, nakakahon parang bareta ng sabon
Maging sabong panglaba o sabong pampaganda
Babae ang laging bida.
Kapag sabong pampaganda, lagi nang nang-iinggit
Dahil mapanghalina, ang kutis na makinis

Kapag sabong panglaba, masayang iginigiit
Na kahit di ikula, ay puputi ang damit
At bago magwakas itong patalastas, Lalaki ang nagpapasalamat
Kutis ng kanyang nobya kay sarap haplusin, labada ni Misis, kay bangong amuyin

Heto ngayon ang tanong sa bidang nakakahon
Wala na ba siyang pangarap o ibang ambisyon
Sa tinagal ng panahon, dadalwa ang pusisyon
Dakilang katulong, o isang dekorasyon

Sa ganitong pagkakataon, natutunaw na ang sabon
Ang bidang ikinahon, lalabas ng telebisyon
Upang harapin ang bagong ambisyon—sabunin, kusutin, pigain
Ang sa kanya’y nagkahon.

Leave a comment